Pinangalanan ng MalacaƱang si Lt. Gen. Arthur Cordura bilang bagong commanding general ng Philippine Air Force.
Ito ay kinumpirma sa isang letter of appointment na may petsang December 16 at para kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Sa sulat, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ni Cordura at tinukoy ang rekomendasyon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner at ng AFP Board of Generals.
Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang bagong PAF chief, nagsilbi si Cordura bilang vice chief of staff ng AFP.
Pormal siyang uupo sa kanyang bagong puwesto kasabay ng change-of-command ceremony ng PAF headquarters sa Villamor Air Base sa Pasay City bukas, December 20.
-- ADVERTISEMENT --