Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) na obligado silang magbigay ng 20% student fare discount kahit weekend, holiday o suspendido ang klase.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, may natanggap silang reklamo na ilang PUV ang tumatanggi sa discount tuwing long weekend at class suspensions.

Binigyang-diin niyang malinaw sa Republic Act 11314 na dapat ipatupad ang discount sa buong panahon ng enrollment ng estudyante.

Nagbabala rin ang LTFRB na maaaring masuspinde ang lisensya ng mga drayber at mapatawan ng multa o matanggalan ng prangkisa ang mga operator sakaling lumabag.

Sa huli, hinikayat naman ang mga estudyante, senior citizens at PWDs na magsumite ng reklamo sa hotline at social media ng ahensya kung makaranas ng paglabag.

-- ADVERTISEMENT --