Ikinatuwa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa patuloy na pagsuporta nito sa Public Transportation Modernization Program (PTMP).
Ito ay matapos na magpahayag si Pangulong Marcos na hindi ito sang-ayon sa pagkansela ng PTMP upang magkaroon ng isa pang pag-review sa programa.
Dahil dito ay sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz na ang pahayag ni PBBM ay magbibigay halaga sa modernization program lalong lalo na pagdating sa pagpapaganda ng tranportasyon sa bansa.
Dagdag pa ni Guadiz na minorya lamang ang mga tumututol sa nasabing programa kumpara sa 80 percent na ang nakapagconsolidate.