Land Transportation Franchising and Regulatory Board

TUGUEGARAO CITY-Desisyon na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 02 kung sinong Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang mabibigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Regional Director Edward Cabase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)region 2, nasa 6,882 ang mga PUV drivers sa region 2 kung saan lahat ng kanilang pangalan ay naibigay sa DSWD .

Aniya, ang tanggapan na ng DSWD ang magsasagawa ng validation kung sino-sinong mga drivers ang pasado sa kanilang evaluation na mabibigyan ng ayuda.

Paliwanag ni Cabase, nagbigay lamang ng listahan ng mga pangalan at datus ang kanilang partisipasyon at DSWD na ang bahalang titingin at bibigyan ng tulong.

Kaugnay nito, sinabi ni Cabase na huwag batikusin o balikan ang LTFRB kung sakali na hindi mapasama ang kanilang pangalan sa magiging benipisaryo ng naturang ayuda.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Edwad Cabase