photo credit: LTFRB REGION 2

TUGUEGARAO CITY-Namahagi ng pamasko ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)- Region 2 sa mga drivers at mananakay dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB-r02, humigit kumulang na 300 ang naging benipisaryo mula sa terminal ng lungsod partikular sa Brgy. Pengue Ruyu at mga dumadaang pampasaherong sasakyan sa Brgy. Carig Sur.

Laman ng kanilang ibinahagi ang delata, bigas, noodles at ang ilan ay nakatanggap ng noche buena items.

Aniya, mga drivers lang sana ang kanilang bibigyan ngunit nang makita ang kalagayan ng ibang pananakay ay binigyan na rin sila ng pamasko.

Sinabi ni Cabase na ang ibinahaging tulong ay inisyatibo ng ahensya at bahagi pa rin ng kanilang unang ibinigay sa mga nasalanta ng pagbaha sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Labis naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap na drivers at ilang residente sa natanggap na tulong.

Tinig Regional Director Edward Cabase