TUGUEGARAO CITY-Nagsagawa ng terminal inspection ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 02 sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan.

Layon nitong matiyak na nakakasunod ang mga terminal sa probinsiya batay sa LTFRB guidelines.

Paliwanag ng ahensiya, hindi pa maaaring bumiyahe ang mga van na mayroon ng special permit kung hindi pa dumadaan sa inspection ang kanilang terminal bilang pag-iingat sa covid-19.

Napag-alaman sa naturang ahensiya na isinagawa ang inspection sa mga terminal van ng Gattaran , Amulung at Iguig.