TUGUEGARAO CITY- Patuloy ang monitoring at paghuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 2 sa mga colorum na sasakyan.
Sinabi ni Edward Cabase, director ng LTFRB Region 2 na marami ng jeep, van at bus na colorum ang naka-impound.
Ayon sa kanya, ito ay para ipakita na seryoso ang LTFRB sa kampanya laban sa mga colorum na mga sasakyan.
Samantala, pinuri ni Cabase ang mga jeepney operators and drivers dito sa rehion dahil sa pagiging bukas sa Jeepney Modernization Program.
Ayon sa opisyal, bagamat hindi madali para sa mga ito na tanggapin ang nasabing programa ay pinapakinggan naman nila ang mga paliwanag ukol dito.
Ito aniya ang dahilan kaya hindi nagkaroon ng tigil-pasada ang mga jeepney operators and drivers kahapon sa halip ay nagkaroon ng summit para ipaliwanag ang Jeepney Modernization Program.