Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2 ang mga pampublikong sasakyan na lalahok sa nationwide strike na ilulunsad sa Lunes, September 30.

Batay sa inilabas na advisory ng LTFRB RO2 na pirmado ni Regional Director Edward Cabase, maaaring suspendihin o kanselahin ang prangkisa ng mga transport groups at operators na lalahok sa demonstrasyon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Cabase ang mga transport groups at operators na huwag sumali sa nasabing transport strike.

Ang tigil-pasada na pinangunguhan ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ay bilang protesta sa ipatutupad na phase-out sa jeepney sa Hulyo 2020 ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.