Nagbitiw na si Land Transportaion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Celine Pialago sa kanyang pwesto.

Epektibo sa huling araw ng Agosto 2024 ang pagbibitiw ng LTFRB Spox.

Nobyembre 2023 nang italaga siya bilang tagapagsalita ng ahensiya.

Una rito ay naging tagapagsalita muna siya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nagpasalamat naman si Pialago sa mga naging kasamahan niya sa ahensiya at sa oportunidad na ibinigay sa kanyang bilang tagapagsalita ng LTFRB.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, hindi naging madali para sa kanya ang naging desisyon dahil napamahal na sa kanya ang ginampanang tungkulin sa naturang ahensiya.