Ituturo na rin sa curriculum ng K to 12 ang basic road safety at traffic rules and regulations.

Layunin nitong maturuan ang mga bata kung papaano magiging ligtas at makakaiwas sa aksidente o sakuna sa kalsada.

Sa mensaheng ipinabot ni Land Transportation (LTO) Region 2 Director Romeo Sales sa inilunsad na road safety manual sa lambak ng Cagayan, sinabi niya na maraming hindi nakakaalam ng batas sa kalsada kaya maraming lumalabag ng hindi nila nalalaman.

Ayon kay Sales, 300 aksidente sa kalsada ang naitatala araw-araw sa buong bansa o katumbas ng 11-aksidente kada oras na madalas na biktima ay nasa 5 hanggang 24 na taong gulang.

Laking pasalamat ni Sales sa Department of Education RO2 sa pagsali ng road safety manual sa curriculum ng K to 12 kung saan ituturo ito sa Grades 3, 7 at 10.

-- ADVERTISEMENT --