Nagdagdag ang Land Transportation Office (LTO) ng mga tauhan upang mapabilis ang distribusyon ng mga license plate sa buong bansa.
Aabot sa 20 na tauhan ang naidagdag sa kasalukuyang 52 na indibidwal na humahawak ng plate releases.
Umaabot sa 8,000–10,000 outbound plates kada araw ang nai-re-release mula sa Plate Making Plant at Courier Hub.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, magreresulta ito sa karagdagang 13,000–15,000 plate releases kada araw.
Binigyang-diin ni Mendoza na matapos mawakasan ang 11 years backlog sa motorcycle plates, nakatuon na ngayon ang ahensya sa mabilis na pamamahagi ng mga ito alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Patuloy rin ang koordinasyon ng LTO sa mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang distribusyon.
Samantala, noong nakaraang linggo inilunsad ng LTO ang Plate Distribution Caravan sa mga mall.