
Pinadalhan ng Show Cause Order ng Land Transportation Office ang tatlong driver at rehistradong may-ari ng mga sasakyang naiulat na gumamit ng ilegal na blinkers at sirena sa isang event sa Bonifacio Global City (BGC).
Ayon sa ulat ng isang netizen, nakita umano ang mga naturang sasakyan na gumagamit ng blinkers at sirena kahit hindi naman mga awtorisadong emergency o government vehicles.
Alinsunod sa SCO, pinahaharap ang mga rehistradong may-ari at mga sangkot na driver sa pagdinig sa Intelligence and Investigation Division ng LTO sa March 17.
Inasatan din ang mga ito na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat mapanagot sa mga posibleng paglabag tulad ng reckless driving, signals on starting, stopping ot turning, disregarding traffic signs, unauthorized/unlawful use of blinkers at improper person to operate a motor vehicle.
Samantala, suspendido na ng 90 araw ang lisensya ng mga driver at inilagay na rin sa alarma ang mga sangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.










