Paiigtingin ng Land Transportation Office o LTO R02 ang kanilang road site inspection bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga babayhe ngayong kapaskuhan.

Ayon kay LTO Asst. Director Manny Baricaua, na ang hakbang na ito kasama na ang inaasahang pagsasagawa ng Oplan Ligtas Byahe Pasko 2023 ay bahagi sa layuning matiyak na ligtas ang mga uuwi sa mga probinsiya.

Kasama sa mga gagawin ng LTO ay ang terminal inspection pata masiguro na nasa maayos na kondisyon ang mga public utility vechiles habang kasama naman nila ng Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA para sa pagsasagawa ng random drug test sa mga drivers.

Sa mga nakalipas na taon ay may mga nasampolan na umanong mga drivers na narevoke ang kanilang lisensya matapos magpositibo sa mga confirmatory test na isinasagawa sa kanila kung saan karaniwang dahilan kung bakit gumagamit ang mga ito ng ipinagbabawal na droga ay dahil sa derederetsong byahe habang ang ilan ay lulong na dito.

Dahil dito, nakikiusap din ang LTO sa mga operators na regular na magsagawa rin ng alcohol at drug test sa kanilang mga drivers at konduktor.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi rin nito na wag nang tangkilikin ang mga van na mga kolorum o mga nag ooperate na walang prangkisa.

Bukod kasi sa walang benepisyo na maibibigay sa mga pasahero sakali mang may mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi rin nakakatiyak a ligtas ang byahe ng mga ito dahil hindi dumaan sa tamang proseso na ipinapatupad ng pamahalaan.

Sa mga may sasakyang may prangkisa umano kasi ay mayroong insurance na maibibigay kung kayat wag nang tangkilin pa ang mga ilegal na nag ooperate o bumabyahe.