Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 na sumusunod lamang sila sa batas kasabay ng mahigpit na pagpapatupad sa mga batas trapiko.
Ayon kay LTO Region 2 Director Manuel Baricaua, marami pa rin sa rehiyon ang hindi rehistrado ang sasakyan o kung hindi man ay walang lisensya sa pagmamaneho na kadalasan ay sangkot sa mga aksidente.
Kasabay nito, nanawagan si Baricaua na tangkilikin ang ipinapatupad nilang proactive project na “License The Outskirts”
Layunin ng “License The Outskirts” project na ilapit sa mga motorista ang kanilang mga serbisyo sa pagpapalisensya sa pagmamaneho.
Samantala, kumpiyansa ang LTO-R02 na maaabot nito ang P1billion revenue collection ngayong 2024 kung saan P544 million na ang kanilang collection sa loob lamang ng unang limang buwan ngayong taon.
Ang revenue na ito ay mula sa pagpapatupad ng kanilang mandato na registration ng motor vehicles, issuance ng driver’s license at permit, at law enforcement activities.
Gayunman, nilinaw nilinaw ni Baricua na hindi ang pagpapataas ng koleksiyon ang pangunahin nilang tinatamo kundi ang ipatupad ang tatlong nabanggit na mandato.
Sa katunayan, sa ilalim ng kanilang L-T-O initiative, umaabot na sa 16 libong student permits ang kanilang na-isyu mula noong simulan ito ngayong Enero 2024; 1,400 naman na bagong lisensiya ang naibigay; 2,000 na driver’s license ang na-renew.
Mayroon ding 17,000 na theoretical driving certificates ang naipamahagi.