Tukoy na umano ng Department of Justice (DOJ) ang lugar sa Taal Lake kung saan ibinaon ang mga nawawalang sabungero.
Sa panayam kay Justice Secretary Crispin Remulla, may “lead” at mga saksi na makapagtuturo umano ng eksaktong lugar ng sisirin upang mahanap ang bangkay ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Remulla, meron na rin silang mga impormasyon hinggil sa planong pagsasagawa ng “diving operation”.
Gayunman, aminado naman ang kalihim na hindi ito biro sapagkat aniya’y nasa 200 square kilometers ang lawak ng Taal lake kung saan hinihinalang inilibing ang mga biktimang sabungero.
Matatandaan na isinawalat ni alyas “Totoy” o Julie “Dondon” Patidongan ang alegasyong na nailibing na umano ang mga ito sa bahagi ng Taal lake.
Determinado naman ang DOJ na malaman ang katotohanan hinggil sa pagkawala at paghahanap sa bangkay ng mga sabungero kung ito man ay totoo.
Samantala ibinahagi naman ni Remulla na ang planong pagsasagawa ng diving operation ay hindi pa muna maisasakatuparan.
Aniya, ito’y dahil sa lagay ng panahon kaya’t naantala ang operasyon na pagsisid na siyang kanilang pinaplano upang mahanap ang bangkay ng mga nawawalang sabungero.
Sa kabila nito, tiniyak ni Remulla na nila ang lahat upang maresolba lamang ang kaso ng mga “missing sabungeros”.
Isa na rito ang pakikipag-ugnayan sa bansang Japan dahil sa sistema ng “diving operation” ang kinakailangang isagawa.