Ibinahagi ng magkapitbahay na sina Rey Lause at Limo Timogan mula Pampanga ang isang nakakagulat na tuklas matapos silang makakuha ng lumang barya, ginto, at alahas umano mula sa mga binungkal nilang punso sa isang bakanteng lote.

Ayon sa dalawa, isang itim na kahon ang natagpuan nila noong Mayo 11, na naglalaman ng mga lumang piso mula 1972 at 1974, pati US coins at kwintas na may perlas.

Dati silang nagtatrabaho sa pest control at ngayon ay nagba-vlog ng kanilang paghuhukay sa mga punso.

Bagaman aminadong natatakot sa posibilidad ng galit ng mga nuno, naniniwala silang maaaring ito ay biyaya ng mga nilalang.

Itinanggi naman ng dalawa na sila mismo ang nagbaon ng kahon, habang tumangging magsalita ang may-ari ng lupa dahil hindi sila nagpaalam.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, isang antique collector ang sumuri sa halaga ng mga nahukay—at inaabangan ng marami kung ito na nga ba ang magdadala sa kanila sa buhay na maginhawa.