Palulubugin ang decommissioned na Philippine Navy warship ng World War II vintage bilang bahagi ng Balikatan 2025.
Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang dating BRP Miguel Malvar o ang PS-19 ang magiging target sa isasagawang maritime strike.
Kabilang sa Balikatan ang assets mula sa Philippine Air Force, US Air Force, US Marine Corps at Australian Defense Force na may iba’t ibang ordnance.
Ginawa ang Miguel Malvar noong 1944 bilang USS Brattleboro (PCE(R)-852), at kalaunan ay nagsilbi ito sa Republic of Vietnam Navy bago tumakas sa Pilipinas matapos ang pagbagsak ng Saigon noong 1975.
Na-decommission ang Malvar noong 2021 bilang isa sa natitirang World War II-era warships sa aalis sa Philippine Navy service.
Nagsimula ang joint exercises sa pagitan ng militar ng bansa at Estados Unidos noong Lunes at magtatagal ito ng tatlong linggo na magkakaroon ng “full-scale battle scenario,” sa hangarin na pigilan ang mga ambisyon ng China sa pinag-aagawang South China Sea.