
Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi overloaded ang MV Trisha Kerstin 3 nang umalis ito sa Port of Zamaboanga City kagabi.
Ayon sa PCG, lulan ng RoRo-passenger boat ang 332 pasahero at 27 crew members, kung saan ito ay pasok sa auhtorized maximum capacity na 352 pasahero, nang lumubog sa 2.75 nautical miles ng hilagang silangan ng Baluk-Baluk Island sa Basilan.
Ayon sa local government ng Basilan, base sa records ng PCG, 223 na mga nakaligtas ang dinala sa Isabela City.
Sa nasabing bilang, 23 sa mga ito ay dinala sa Basilan Medical Center para sa medical attention.
Labing-limang katao ang kumpirmadong nasawi sa nasabing trahedya.
Umalis ang nasabing sasakyan pandagat sa Zamboanga City Port ng 9:20 kagabi bago mangyari ang insidente.
Sinabi ng PCG na iniimbestigahan na nila ang sanhi ng paglubog ng MV Trisha Kirsten 3 na pagmamay-ari ng Aleson Shipping Lines Inc.










