Nagsagawa ang lupon ng mga eksperto mula sa iba’t ibang collaborating institutions ng pag-aaral sa key sampling sites sa probinsiya ng Cagayan at ilocos Norte bilang bahagi ng research-initiative sa pagtatag ng collaborative assessment ng aquatic species na lumilipat mula freshwater at salt water sa bansa.

Sinabi ni Jamimah Ziegler ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 2, layunin ng research na mas mapalawak ang kaalaman sa mayamang biodiversity ng Philippine freshwater and estuarine fish species.

Ayon kay Ziegler, isinagawa ang aktibidad mula November 24 hanggang December 1, kung saan tampok ang kahalagahan ng Cagayan, kung saan dito matatagpuan ang nutrient-rich Kuroshio Current, isang mahalagang daanan para sa larval at distibusyon ng seedstocks.

Sinabi niya na mahalaga ang resulta ng pag-aaral sa pag-alam sa ecological processes na nakaka-impluwensiya sa fish populations sa buong Southeast Asia Region.