Ilalagay sa red alert mamayang hapon at gabi ang Luzon at Visayas grids.

Batay sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilalagay sa red alert ang Luzon grid mamayang 1:00 p.m.-5 p.m. at mula 6 p.m. to 10 p.m.

Ilalagay din ito sa yellow alert sa pagitan ng mga nasabing schedule.

Naglalabas ang NGCP ng red alert status kapag hindi sapat ang supply para matugunan ang consumer demand at regulating requirement ng trasmission grid.

Ang yellow alert naman ay kung ang operating margin ay hindi sapat para sa contigency requirement ng tranmission grid.

-- ADVERTISEMENT --

Ang kasalukuyang available capacity sa lugar ay 13,531 megawatts, kung saan ang peak demand ay mas mataas sa 13,597 megawatts.

Ilalagay din sa red alert ang Visayas grid mula from 2 p.m. to 4 p.m. and 6 p.m. to 7 p.m.

Ang current available capacity sa Visayas ay 2,588 megawatts, na ang peak demand ay 2,537 megawatts.