Ipinag-utos ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que ang maagang pagpapauwi sa mga kawani ng pamahalaan matapos na umabot na sa 11 meters ang Water Level sa Buntun.

Batay sa kautusan ni Mayor Ting-Que na hanggang 4PM ang pasok sa mga tanggapan ng gobierno dito sa Tuguegarao ngayong araw dahil pumalo na sa critical level ang tubig sa ilog Cagayan.

Hinimok din ng alkalde ang mga nasa pribadong sektor na sumunod sa naturang kautusan para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado

Layunin ng kaselasyon ng pasok sa mga tanggapan na maagang makauwi ang mga empleyado at makapaghanda dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Cagayan river

Kaugnay nito, umapela si Que sa mga nasa low lying areas na sumunod sa kautusan ng mga otoridad na lumikas sa mga natukoy na evacuation center para sa kanilang kaligtasan lalo ngayong gabi.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ng alkalde na iprayoridad ang kaligtasan at huwag na ring pahirapan ang mga rescuers na pagod na rin dahil sa magkakasunod na naranasang kalamidad.

Sa ngayon ay dalawang spillway gates na ang nakabukas sa Magat reservoir.