Umaasa si 3rd district Board Member elect Atty Mila Catabay Lauigan na maayos na ang relasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa Cagayan.
Ayon kay Atty. Lauigan na nagbalik, panahon na para magkaisa at magtulungan ang gubernador, bise gubernador at lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para maisulong ang mga kapaki-pakinabang na polisiya at batas para sa kapakanan ng mga Cagayano.
Binigyang diin ni Atty Lauigan ang kahalagahan ng komunikasyon sa mga liders ng lalawigan upang makagawa ng isang solusyon na pakikinabangan ng mga Cagayano.
Sa kanyang pagbabalik sa pulitika, tiniyak ni Atty Lauigan na marami siyang ipapanukalang mga ordinansa na may layuning mapalago ang ekonomiya at magbibigay pangka-kabuhayan.
Nais din niyang magkaroon ng feedback mechanism sa publiko para sa mga posibleng ordinansa at polisiya na nais nilang ipatupad at ang hangaring mapalakas ang antas ng volunterism ng mamamayan.