TUGUEGARAO CITY- Hinahanap na ng Mabuwaya Foundation sa tulong ng ilang residente ang nasa 15 na baby crocodile na posibleng naanod matapos ang malakas na pag-ulan sa San Mariano, Isabela kamakalawa.

Sinabi ni Marites Balbas, chief operation officer ng foundation na lima ang nakita na nila mula sa 20 na baby crocs.

Kaugnay nito, sinabi ni Balbas na ang nasabing uri ay tinatawag nilang “ Bukarot” o Philippine fres water crocodile na sa Pilipinas lamang matatagpuan.

Kaugnay nito, sinabi ni Balbas na ang mga nahanap na mga baby croc ay kanilang dadalhin sa kanilang breeding station at kung nasa 50 hanggang 75 centimeters na ang kanilang laki ay muli silang pakakawalan sa kanilang habitat.

Sinabi ni Balbas na may walong fresh water crocodile sa San Mariano na idineklara na idineklara na ng barangay na crocodile sanctuary.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan diin ni Balbas na dapat na pangalagaan at proteksionan ang mga “Bukarot” dahil batay sa pag-aaral ay wala na ito sa North East Luzon pero mayroon ito sa San Mariano.

Sa katunayan, sinabi niya na matapos ang kanilang ginagawang conservation initiatives sa mga nasabing uri ng buwaya ay unti-unti nang dumarami ang mga ito.

Bukod dito, natututo na rin ang mga mamamayan sa San Mariano sa pangangalaga at pagbabantay sa mga “ bukarot” sa halip na huliin at patayin ang mga ito.

Umaasa si Balbas na dadami pa ang nasabing mga buwaya na sa kanilang obserbasyon ay mahiyain at maliit lamang ang mga ito.

Ayon sa kanya, ang maximum na laki ng “bukarot” ay 3 meters at ang pinakahuli na nakita nilang halos umabot sa nasabing laki o 2.81 ay pinatay noong Hulyo 2012.

Sinabi pa ni Balbas na mabagal din ang paglaki ng mga nasabing uri ng buwaya.

Kasabay nito, sinabi ni Balbas na pinapalakas nila ang kanilang information dessimination ukol sa mga buwaya.

Ito ay para maiwasan ang mga insidente ng pag-atake ng mga buwaya dahil sa may mga nai-record na kaso ng pagkagat ng buwaya sa San Mariano.

Nilinaw ni Balbas na hindi kasama sa diet ng mga buwaya ang mga tao.

Sinabi pa ni Balbas na plano din nilang tourist attraction ang mga nasabing crododile sanctuary kaakibat ng pagtatayo ng Philippine crocodile conservation center.