TUGUEGARAO CITY-Isinusulong ng City Council ng Tuguegarao ang isang ordinansa na mag-oobliga sa mga mag-a-apply ng civil wedding o magpapakasal sa mayor na kailangan ay magtanim ng tig-isang puno ng kahoy.
Ayon kay Vice Mayor Bienvenido De Guzman ng Tuguegarao, na siyang nagsulong sa nasabing ordinansa, ito ay bilang tulong para masolusyonan ang nararanasang problema sa kapaligiran.
Aniya, napapanahon na para magtanim ng puno para sa susunod na henerasyon at para pangalagaan ang kalikasan.
Kaugnay nito, umaasa si De guzman na pagkatapos ng pista ng lungsod ay muling pag-uusapan ang nasabing ordinansa.
Sa ngayon, sinabi ni De Guzman nasa committee level na ang nasabing ordinansa ngunit hindi pa napagtutuunan ng pansin dahil sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng lungsod nitong buwan ng Agosto./ with reports from Bombo Romel CAmpos