Nakapagtala ng bagong world record ang isang mag-ama sa India matapos lumikha ng higit 17-talampakang hula-hoop at paikutin ito.
Kinumpirma ng Guinness World Record ang pagtala ng mag-amang 51-anyos na si Krishan Bhatia at ng kanyang 16-anyos na anak na si Kshitij Bhatia nang pinagtulungan nilang pinaikot ang dambuhalang hula-hoop na nilikha
Nahigitan ng mag-ama ang dating world record na naitala ni Yuya Yamada ng Japan kung saan kanyang pinaikot ang isang 16-talampakang hula-hoop
Ayon ama , kinahiligan na umano ng kanyang anak na babae na si Prachi Bhatua ang paghu-hula-hoop at siya din ang nagdisenyo sa higanteng hula-hoop.
Sakatunayan aniya ay may sarili ng kompanya ang anak na gumagawa ng hula-hoop.
-- ADVERTISEMENT --