
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na bumisita sa Pilipinas noong Nobyembre ang umano’y mag-amang suspek sa pamamaril sa Bondi Beach sa Australia, na ikinasawi ng 16 katao at ikinasagutan ng 40 iba pa.
Inihayag ito ng BI sa harap ng isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Australia kung bakit nagpunta at ano ang ginawa sa Pilipinas ng mga suspek na sina Sajid Akram, 50-anyos, at Naveed Akram, 24-anyos.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, dumating sa bansa noong November 1 mula sa Sydney ang dalawang suspek.
Idinagdag ni Sandoval na isang Indian national (Australian resident) si Sajid, habang Australian national na ang kaniyang anak.
Naging final destination sa Pilipinas ng mag-ama ang Davao.
Umalis naman ng Pilipinas ang dalawa noong November 28 na may connecting flight na mula sa Davao patungong Manila, at sa Sydney ang final destination.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), batid nila ang media reports tungkol sa posibleng koneksyon ng mag-ama sa terrorist groups.
Subalit sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na wala pa silang validated information para kumpirmahin ang nasabing ulat.
Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi maituturing na serious security concern ang pagbisita sa Pilipinas ng mag-amang suspek.
Nangyari ang pamamaril sa Bondi beach noong December 14, habang idinadaos ang Jewish holiday celebration na Hannukah.
Nasawi rin ang ama na gunman.









