Marami pang nakalinya na mag-asawa sa Nueva Vizcaya na mabibigyan ng P50,000 sa ilalim ng “Enduring Devotion Ordinance.
Sinabi ni Flordelina Granada, head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng lalawigan, isinasailalim pa sa screening at evaluation ang karagdagang 156 na mag-asawa na 50 at higit pa na nagsasama.
Ayon sa kanya, una na silang nakapagbigay ng tig-P50,000 sa 50 na mag-asawa noong December 2024 at ang ikalawang batch naman ay noong February 14 sa 44.
Sinabi ni Barcia na ang pagbibigay ng insentibo sa mga nasabing mag-asawa ay layunin na kilalanin ang sakripisyo at ang intact na pagsasama ng mga ito sa loob ng maraming taon.
Bukod dito, sinabi niya na ito ay upang isulong ang kabanalan ng pag-aasawa sa lalawigan.
Ayon kay Barcia, pinaglaanan ng pondo na P10 million ngayong taon ang nasabing programa, ngunit himihingi pa sila ng karagdagan dahil sa nasa 900 na ang mga aplikante.
Sinabi niya na isa sa mahalagang requirement sa nasabing programa ay kailangan na legal na nagsasama ang mag-asawa.