TUGUEGARAO CITY- Nasa pangangalaga ngayon ng intelligence unit ng PNP Cagayan ang mag-asawang Agta na miembro umano ng New People’s Army na sumuko sa PNP Allacapan.

Kaugnay nito, sinabi ni PCAPT. Antonio Palattao, hepe ng PNP Allacapan na batay sa kanilang interogasyon sa mag-asawa na kinilalang sina “ Ka Lando”, 29 anyos at “Ka Ela”, 27, taong 2013 pa umano sila sumapi sa rebeldeng grupo.

Sinabi ni Palattao na nahikayat umano sila ng rebeldeng grupo dahil sa sila ay nasa liblib na lugar sa Brgy. Iringan na daanan umano ng rebeldeng grupo at dahil sa wala umanong nakakarating na serbisyo ng pamahalaan sa kanilang lugar.

Subalit dahil din sa hirap sa kabundukan at sabik din sila sa kanilang mga anak na iniwan sa kanilang mga magulang kaya nahikayat silang magbalik loob sa pamahalaan.

TIinig ni PCAPT. Antonio Palattao

Sinabi ni Palattao na sa ngayon ay apat na ang sumusukong miembro ng NPA sa kanilang hanay.

-- ADVERTISEMENT --