Magkahiwalay na dinala sa Department of Justice ngayong umaga ang mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Sasailalim ang Discayas sa preliminary investigation kaugnay sa P7.1 billion tax evasion complaint na inihain sa Bureau of Internal Revenue.

Inaresto si Sarah ng National Bureau of Investigation kagabi matapos na maglabas ang korte ng arrest warrant laban sa kanya dahil sa mga kasong corruption at malversation ng pondo may kaugnayan sa P96.5 billion ghost flood control project sa Davao Occidental.

Si Curlee ay dinala ng Senate Sergeant-At-Arms.

Siya ay nakakulong sa Senado matapos siyang ma-cite in contempt ng Blue Ribbon Committee dahil sa pagsisinungaling sa hindi pagdalo ng kanyang asawa sa pagdinig sa maanomalyang flood control projects noong September 18.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestihan ang Discayas matapos na madawit ang kanilang construction firms sa mga anomalya sa flood control projects.

Pagmamay-ari nila ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation, isa sa 15 kumpanya na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng 20 percent sa flood control projects sa bansa.