Inihayag ng mag-asawang government contractors na sina Sarah at Curlee Discaya na dahil sa korupsion kaya sila napilitan na sumama sa mga maanomalyang bidding sa mga proyekto.
Sinabi ni Sarah sa kanyang binasa na salaysay na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee:
“Hindi namin ginusto kailanman na mapasama sa ganitong sistema, pero kailangan namin magpatuloy para sa pamilya at mga empleyado namin. Dahil sa aming paglaban sa mga tiwaling bidding, maraming beses na naming naranasan na ma-disqualify ng bids and awards committee ng DPWH na hawak ng mga mambabatas na nagpondo sa proyekto.”
Idinagdag naman ni Curlee na:
“Dahil naiipit na ang aming negosyo, lumulubog na kami sa lumalaking utang ng kumpanya at peligro sa buhay ng aming pamilya, napilitan kaming makisama sa kalakaran kahit labag sa aming kalooban,” Curlee added.
Sinabi ng mag-asawang Discaya na nag-alok sila na maging state witness upang maisiwalat ang sabwatan sa pagitan ng mga mambabatas, government agencies, at personnel sa mga nasabing anomalya.
Ayon kay Curlee: “Handa kaming tumestigo na walang pilit at kusang loob bilang state witnes at sabihin ang lahat ng nangyayaring katiwalian ng Kamara, DPWH, at iba pang mga kawani ng gobyerno para gawin ang tama.”
Maraming binanggit si Curlee na mga mambabatas at mga district engineers ng DPWH ang sangkot sa paghingi ng 25 hanggang 30 percent na kickback sa isang proyekto.
Kabilang sa mga binanggit ni Curlee sina Ako Bicol Pary-list Rep. Zaldy Co at maging ang pangalan ni House Speaker Martin Romualdez.
Umaapela ang mag-asawa kay Senator Rodante Marcoleta at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang seguridad ng kanilang pamilya dahil sa kanilang mga isiniwalat.
Narito ang mga pangalan na isiniwalat ni Curlee:
Terrence Calatrava, former undersecretary of Office of the Presidential Assistant of the Visayas
Pasig City Rep Roman Romulo
Uswag Ilongo Partylist Rep. Jojo Ang
Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas
Quezon City Rep. Juan Carlos “Arjo” Aitayde
Agap Partylist Rep. Nicanor “Nikki” Briones
Marikina Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro
San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes
Romblon Rep. Leandro Jesus Madrona
Rep. Benjamin “Benjie” Agarao, Jr.
Anwaray Partylist Rep. Florencio Gabriel Bem Noel
Occidental Mindoro Rep. Leody “Ode” Tarriela
Quezon City Rep. Reynante “Reynan” Arogancia
Quezon City Rep. Marvin Rillo
Aklan Rep. Teodorico “Teodoro” Haresco
Zamboanga Sibugay Rep. Antonieta Yudela
Caloocan City Rep. Dean Asistio
Quezon City Rep. Marivic Co Pillar.
Una rito, inakusahan ni Navotas Navotas City Rep. Toby Tiangco sa pagdinig si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, the former chairperson of the House Committee on Appropriations na may P13.8 billion na insertions sa 2025 budget.
Ito ay kinabibilangan ng pondo para sa flood control projects at iba pang infrastructure projects.
Kasabay nito, hiniling ni Tiangco na dapat na linawin ni Co ang kanyang koneksion sa SunWest Inc. ang itinatag niyang kumpanya na nakakuha ng bilyong-bilyong halaga ng mga proyekto.
Sinabi ng mga kapwa niya mambabatas na dapat na humarap sa pagdinig si Co para maipaliwanag ang kanyang panig.
Ayon kay House Spokesperson Princess Abante nitong nakalipas na linggo na nasa Amerika si Co para sa medical treatment.
Saklaw ng biyahe ni Co ng travel authority, na kailangan ng government officials sa paglabs ng bansa.