Kapwa nagpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Mayor at Vice Mayor ng bayan ng Iguig, Cagayan.

Sa pamamagitan ng Bombo Radyo, inanunsyo ni Vice mayor Judithas Trinidad na siya at kanyang asawa na si Mayor Ferdinand Trinidad ay sumailalim sa RT-PCR test noong nakaraang Linggo kung saan lumabas ang resulta na sila ay kapwa nagpositibo sa nakamamatay na sakit.

Maliban sa mag-asawang opisyal, positibo rin sa virus ang dalawamput-isang iba pa na pawang mga kawani at elected officials ng LGU- Iguig.

Ayon sa bise-alkalde, nakuha nila ang virus sa naganap na sesyon noong March 3 sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha sa kanilang SB secretary na umanoy infected sa virus ngunit naramdaman lamang nito ang sintomas noong March 7.

Kinabukasan, March 8 nang makaramdam ng sintomas ng sakit ang Mayor habang March 11 naman sa bise alkalde na nakaranas ng mild na sintomas at asymptomatic.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isolation period ng bise-alkalde at sa 21 iba pa sa kanilang mga bahay at quarantine facilities maliban sa alkalde na patuloy na nagrerekober sa ospital.

Umasasa ang Vice Mayor na magiging negatibo ang resulta ng muling pagsusuri sa kanila sa susunod na Linggo.

Sa ngayon ay aabot na sa 40 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Iguig.

Tinig ni Iguig Vice Mayor Trinidad

Kaugnay nito, sinabi ni Vice Mayor Trinidad na pansamantalang isinara ang ilang opisina sa Munisipiyo kung saan nagpatupad ng skeletal workforce upang hindi na kumalat ang virus.

Tinig ni Iguig Vice Mayor Trinidad

Habang ang walong barangay na naging sentro ng contact tracing ang mahigpit na minomonitor ngayon ng lokal na pamahalaan.

Ito ay kinabibilangan ng Brgy. Ajat, Nattanzan, Minanga Sur, Minanga Norte, Malabbac, San Esteban, Sta. Teresa at Baculud kung saan ipinatupad ang liquor ban at mahigpit na pagbabawal sa mass gatherings, base sa rekomendasyon ng Municipal-IATF na magtatagal sa March 22.

Apela ni Vice Mayor Trinidad sa mga residente nito na sumunod sa mga inilatag na patakaran upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Tinig ni Iguig Vice Mayor Trinidad