Kulong ang mag-asawang negosyante matapos mahulian ng mahigit P470k na halaga ng droga sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay PCAPT Ana Marie Anog, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao, lumalabas sa imbestigasyon na ang mag-asawang negosyante na residente sa Ugac Norte ay ang nagsusupply sa lungsod at ito ay nakumpirma rin batay sa pahayag ng mga suspek na una ng nahuli sa operasyon ng mga otoridad.
Matapos ang isinagawang validation ay nagkasa naman aniya ang PDEA at ang PNP ng buy bust operation kung saan nasamsam sa kanila ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 70 grams at nagkakahalaga ng P476K.
Nasamsam din sa kanila ang dalawang libong tunay na pera at 83 piraso. ng isang libong piso na ginamit bilang boodle money.
Inihayag ni Anog na maaaring isainasabay ng mag-asawa sa pagbebenta ng ibat ibang mga produkto ang kanilang operasyon upang makapagpatuloy sa kanilang kalakalan sa iligal na droga at masupplyan ang kanilang mga parokyano.
Ang kanilang supply aniya ay mula pa sa kalakhang maynila.
Sa ngayon y nasa kustodiya na ng PDEA region 2 ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002.