Patay ang isang ina at ang kanyang anak na babae matapos mabangga ng isang ambulansya ang sinasakyan nilang tricycle sa Labo, Camarines Norte nitong Miyerkules.
Batay sa imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station, papunta sana sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet ang ambulansya upang magsugod ng pasyente nang maganap ang insidente.
Minamaneho naman ng ama ng pamilya ang tricycle, at pauwi na sana sila mula sa eskwelahan nang mangyari ang banggaan.
Sa lakas ng impact ng salpukan, tumilapon ang tricycle.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at dinala ang mag-ina sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, kritikal ang kondisyon ng padre de pamilya na ngayon ay patuloy na ginagamot.
Wala namang naiulat na nasaktan sa mga sakay ng ambulansya.