Masaya at nag-iyakan ang pamilya ni Ruszlin Mark Laser Quiming ng Bachelor of Elementary Education matapos na sabay silang pumasa ng kanyang ina Licensure Examination for Professional Teacher.
Sinabi ni Ruszlin na laking tuwa ng kanyang ina dahil hindi nito inakala na papasa pa ito dahil matanda na at dalawang dekada na naka ilang ulit kumuha ng pagsusulit, ngunit hindi ito nawalan ng pag asa.
Sinabi pa nito na ,na habang inaantay ang resulta ng pagsusulit ay hiniling nito sa panginoon na kahit ang kanyang ina na lang ang makapasa.
Anya, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan pati na rin ang ina dahil , una ay nag dalawang isip pa ito kung mag aapply sa nasabing pagsusulit dahil na rin sa kaba at iniisip nito na baka hindi rin siya pumasa.
Dagdag pa ni Ruszlin, naging mahirap din ang epekto ng nakaraang pandemya dahil scholar ito ng Saint Louie Tuguegarao at hindi nila kayang bayaran ang buong tuition fee, ngunit dahil may mga mabubuti ang loob na tumulong sa kanya ay nakakuha ito ng iba pang scholarship.
Sinabi ni Ruszlin, hinikayat niya ang kanyang ina na sumabay na ito sa pagsusulit dahil nakapag ipon naman siya na ginamit niya sa pagrereview at pumayag naman ang kanyang ina ngunit sinabi nito na si Ruszlin na lamang ang mag apply sa review center.
Ayon pa kay Ruszlin,ibinabahagi nya sa kanyang ina ang kanyang mga napapag aralan sa review center, mga review materials at nanonood din ang mga ito sa youtube at facebook patungkol sa mga maaaring lumabas sa LET at sinusulat ang mga ito.
Anya, may mga nagbibigay din ng mga review materials sa kanila na nakatulong din sa kanilang paghahanda bago ang pagsusulit.
Dagdag din ni Ruszlin, pagpupulis talaga ang kanyang gustong kunin na kurso ngunit hindi naman pumayag ang ina dahil na rin sa pag- aalala na baka mapahamak ito, kung kaya’t itunuloy na lamang niya ang pangarap ng ina na maging guro.
Sa ngayon , nag aantay na ng oportunidad si Ruszlin dahil plano at gusto na rin nito na magturo sa eskwelahan.
Sinabi niya na kapwa sila nagtatrabaho ng kanyang ina sa department of social welfare and development.