TUGUEGARAO CITY- Pinakalawan na ang mag-inang pygmy sperm whale sa dagat sa Sta. Ana, Cagayan kaninang umaga na na-rescue kahapon sa Brgy. Palawig.
Sinabi ni Richard Alibania, municipal agriculturist ng Sta. Ana, na may nakitang mga sugat sa katawan ng mother whale na posibleng mula sa kagat ng pating kaya ito nanghina at napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat kasama ang kanyang anak na lalaki.
Sinabi ni Alibania na tiniyak muna ng mga veterinarian na malakas na ang mother whale bago sila pinakawalan.
Tinatayang 6.2 feet na may timbang nasa 250 kilos ang mother whale habang ang baby whale naman ay nasa 50 kilos at tinatayang tatlong buwan pa lamang.
Dahil na-rescue ang mag-inang balyena kahapon na “Aggao Nac Cagayan” binigyan nila ng pangalan na “mother Cagayana” at “baby Cagayano”.