Kulong ang mag-inang Indian national o “Bombay” matapos na mahulihan ng peke o hindi rehistradong mantika sa Barangay Patul, Sanatiago City sa Isabela.
Kinilala ni CIDG Acting Director, Police Brigadier General Romeo Macapaz ang mga suspek na sina alyas “Kulvinder” at ang anak nitong si “Kamaljot.”
Sinabi ni Macapaz na ang nasabing mantika ay nagkakahalaga ng P1.3 million.
Nakalagay ang mga nasabing mantika sa 273 na containers.
Kasunod nito nagbabala ang PNP-CIDG sa publiko hinggil sa pagkalat ng mga hindi rehistradong mantika o cooking oil sa merkado na maaaring makapinsala sa kalusugan.
Nabatid na walang kaukulang lisensya mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang mag-ina para magbenta ng nasabing produkto—isang tahasang paglabag sa FDA Act of 2009.
Payo ni PBGen. Macapaz, ang mga hindi rehistradong mantika ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri, kaya’t may panganib itong idulot sa kalusugan ng mga gumagamit nito.