Bubuksan na sa mga turista sa susunod na taon ang Magangab Cave na matatagpuan sa Balbalan, Kalinga.

Kasabay nito, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng pagsasanay upang maihanda ang komunidad sa inaasahang pagdagsa ng turista sa lugar.

Ayon kay Regine Fae Mundatus, municipal tourism operations officer na may lawak ang kweba na mahigit 2 meters at taas na 3.2 meters habang ang elevation ay 251 above sea level.

Tampok sa loob ng kweba ang kakaibang rock fall formation at ang dumadaloy na ilog sa ibaba nito.

Ayon naman kay Mayor Eric Gonayon na nakasaad sa pinirmahang Memorandum of Agreement na paglalaan ng pondo ng LGU ang development at promotion ng kweba at ang pagtatalaga ng opisyal na tututok sa implementasyon ng management plan nito.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bahala sa traininng at technical services sa ikabubuti nito habang ang land owner nito ay tutulong sa pangangalaga at proteksyon ng kweba.

Inaasahan namang lalago ang tourism industry ng munisipalidad kabilang ang ilan pang tourist destination sa lugar gaya ng Banao protected landscape sa Balbalasang; Ugid Underground River sa Balbalan proper at Maling; Panitet o Calvary Hill; Tawang caves at ang Bolo-Nawoy rice terraces