TUGUEGARAO CITY-Muli nang mag-ooperate ang Magapit pumping station sa bayan ng Lal-lo matapos masunog nitong ng buwan ng Mayo nang kasalukuyang taon.
Ayon kay Gileu Michael Dimuloy head ng Cagayan-Batanes area ng National Irrigation Administration (NIA), kahapon, matagumpay na isinagawa ang kanilang final test sa mga pinalitang transformer at control panel.
Aniya, Agosto 15,2019 sana ito bubuksan ngunit may mga makina na kinailangan pang i-test na kinakailangan ng National Grid Corporation of the Philippines bago ma-energize.
Sinabi ni Dimuloy na pinalitan ng bago ang makina ng pumping station para makasiguro na mas mapabilis at mapadali ang pagsupply ng tubig sa mga palayaan.
Sinusuplayan ng tubig ng nasabing pumping station ang nasa 11,000 hektarya ng palayaan maging ang Aparri water District
Aniya, umabot sa P30 milyong piso ang nagamit sa rehabilitasyon ng pumping station maliban pa sa maintenance ng mga makina.
Matatandaan, buwan ng Mayo nitong kasalukuyang taon nang masunog ang pumping station na dahilan ng pagkaantala ng walong libong magsasaka sa pagtatanim ng palay dahil sa kawalan ng supply ng tubig.