Binawasan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang pinapakawalang tubig sa Magat dam sa Isabela na nauna nang nagpakawala ng tubig nitong Huwebes bilang preparasyon sa posibleng malakas na ulan ng bagyong Ramon.
Ayon kay Engr Wilfredo Gloria, NIA-Magat River Integrated Irrigation System (MRIIS) acting Operations Manager na mula isang metro ay ibinaba sa kalahating metro ang nakabukas sa isang gate ng dam na naglalabas ng 95 cubic meters per second (cms) na tubig.
Gayonman, maari itong madagdagan, depende sa lakas ng ulan sa Magat watershed habang papalapit ang bagyo.
Alas 7:00, kagabi nasa 189.93 meter ang lebel ng tubig sa Magat Dam at may spilling level na 190 meters.
Ipinapayo sa lahat na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.