Dinagdagan ng Magat dam ang gates na binuksan para sa pagpapakawala ng tubig kaninang 11 a.m.
Sinabi ni Engr. Edwin J. Viernes, head ng Flood Forecasting & Instrumentation Section ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS), dalawang metro ang opening ng isang gate habang isang metro naman ang isa pa.
Ayon kay Viernes, una silang nagbukas ng gate kahapon.
Sinabi niya na layunin nito na matiyak na hindi umabot sa critical ang water elevation sa dam dahil sa mga pumapasok na mga tubig mula sa watershed area ng dam bunsod ng mga pag-ulan.
Ang water elevation ngayon ng dam ay 186.68 meters above sea level.
Ayon kay Viernes, ang outflow o ang lumalabas na tubig ngayon sa dam ay 522 cms.
Sinabi ni Viernes na tatlong araw na kanilang monitoring sa status ng Magat dam, nagkaroon ito ng pagtaas na hanggang dalawang metro.