Inanunsyo ng Magat River Flood Forecasting and Warning System (FFWS) ang pagtaas ng antas ng paglabas ng tubig mula sa Magat Dam reservoir.
Ang pagbubukas ng gate ay itinaas mula 1 metro patungo sa 2 metro, na nagresulta sa paglabas ng tubig na may bilis na 411 cubic meters kada segundo.
Mahigpit na pinaaalalahanann ang publiko, partikular ang mga nasa mabababang lugar at komunidad na malapit sa daluyan ng tubig, na manatiling mapagmatyag at subaybayan ang mga lokal na abiso.
Pinapayuhan din ang mga residente na mag-ingat at tiyaking sumusunod sa mga itinakdang safety measures at alituntunin ng kanilang mga Local Government Units (LGUs), lalo na sa mga lugar na madalas bahain.
Samantala patuloy rin na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon, at magbibigay ng karagdagang updates kung kinakailangan.
Inabisuhan naman ang mamamayan na mag ingat, maging ligtas at bigyang-priyoridad ang kahandaan sa panahon ng ganitong kalagayan.