Muling nagbawas ang Magat Dam ng dami ng tubig na pinapakawalan.

Ayon sa National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS, nagpatupad ng water discharge reduction ang magat reservoir kaninang 4pm.

Sa ngyaon ay dalawang spillway gate ang nakabukas na mayroong taas na tatlong metro mula sa nakaraang apat na metro

Dahil dito, nasa humigit-kumulang 614 cubic meters per second mula sa dating discharge na 854 cubic meters per second ang volume ng tubig na pinapakawalan ng dam.

Ayon sa pamunuan ng magat dam na ang pagbabawas ng pinapakawalang tubig ay dahil sa pagganda ng lagay ng panahon sa water shed area

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, pinapayuhan ang mga nasa low lying areas na malapit sa cagayan river na maging alerto dahil sa posibleng epekto ng pinapakawalang tubig gayundin ang galing sa ibang tributaries.