Anim na gates na ang nakabukas sa Magat Dam na may 12 meters opening, batay sa pinakahuling update kaninang 10 a.m. ng NIA-MARIIS.

Ang water level ngayon ng Magat Dam ay 189.75 meters above sea level.

Ang inflow ay 10,703.87 cubic centimeter per second, habang ang outflow ay 2,252 cms.

Ang normal high water level ng Magat dam ay 193 meters above sea level.

Samantala, umaabot na sa 9.4 meters ang water level sa Buntun, Tuguegarao City, na itinuturing na above critival level na 9 meters.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, nagmistulang dagat na ang ibang kalsada sa lungsod ng Tuguegarao, at binaha na rin ang ilang kabahayan partikular sa Centro 9 at 10.

Ibinabala ang pagtaas pa ng ilog na magbubunsod ng mas malawakang pagbaha sa lungsod.

Paalala ng mga kinauukulan sa mga residente na nasa low lying areas at madalas na nakakaranas ng mga pagbaha na lumikas na.

Binuksan ang ilang paaralan at maging ang Cathedral para sa mga evacuees.