Dalawang gates ng Magat dam sa Isabela ang binuksan kaninang umaga sa gitna na rin ng mga pag-ulan dala ng low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon.

Batay sa hydrological situationer, sinabi ng PAGASA, ang dalawang nakabukas na gates ng dam ay naglalabas ng tubig na 849.72 cubib meters per second kaninang 8 a.m.

Ang water elevation ng Magat dam kaninang umaga ay 187.54 meters.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng maapektohan ng pagpapakawala ng tubig ng Magat dam ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu sa Isabela, maging ang Alfonsolista, Ifugao.

Tinataya ng PAGASA ang average na 40 millimeters hanggang 90 mm ng ulan sa basin sa susunod na 24 oras.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ng weather bureau na ang LPA sa Eastern Samar ay inaasahan na magdadala ng mga pag-ulan at thunderstorms sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras.