Dinagdagan ng isa pang metro ang dami ng pinapakawalang tubig sa isang spillway gate ng Magat Dam dahil sa mga pag-ulan sa Magat Watershed dulot ng localized thunderstorm at bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig.

Sa Notice of Dam Discharge Warning Operation ng NIA-MARIIS na ipinalabas ala-1 ng umaga ngayong araw ng Linggo ng Pagkabuhay, nasa 416 cubic meters per second ang pinapakawalang tubig sa spillway radial gate number 4 na nakabukas ng 2 metro matapos itaas sa dating isang metro mula pa kahapon ng alas 9:00 ng umaga April 16.

Hakbang ito ng NIA-MARIIS para maiwasang umabot sa peligro ang dam lalot patuloy ang pagbaba ng tubig mula sa watershed areas na nakakaranas ng pag-ulan.

Ang water level ngayon ng Magat Dam ay nasa 191.01masl, ang Inflow ay 313.67cubic meters per second habang ang Outflow ay 494.33 cubic meters per second.

Matatandaang Lunes ng hapon ng nagsimulang nagpakawala ng tubig ang NIA-MARIIS mula sa Magat Reservoir.

-- ADVERTISEMENT --