Nakabukas ngayon ang isang gate ng Magat Dam sa Isabela.
Batay sa hydrological situationer, sinabi ng state weather bureau PAGASA, nagpapakawala ang Magat Dam ng 461.33 cubic meter per second ng tubig kaninang 8 a.m. habang ang water level ay naitala sa 188.9 meters.
Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na posibleng maapektohan ay ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu sa Isabela at Alfonso Lista sa Ifugao.
Samantala, tinaya ng PAGASA ang average na 15 millimeters ng 25 mm ng ulan sa basin sa susunod na 24 oras.
Ayon sa ahensiya, ito ay bunsod ng namataang low pressure area sa Maasin City, Southern Leyte, habang Southwest Monsoon ang nakakaapekto naman sa western section ng Southern Luzon.
Pinapayuhan ang mga residente at mga kaukulang local disaster risk reduction and management councils na maging alerto sa sama ng panahon.