Nagbukas ng isang gate ang Magat dam dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa mga pag-uulan dahil sa amihan at shearline.
Ayon sa National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), binuksan ang spillway radial gate 4 na may lumalabas na volume ng tubig na 181 cms kaninang 12:00 p.m.
Sinabi ng NIA-MARIIS, binuksan nila ang isang gate dahil sa mga pag-ulan sa watershed area ng Magat.
Idinagdag pa na posibleng pang magbago ang dami ng tubig na ilalabas depende sa ulan na babagsak sa Magat watershed.
Dahil dito, inaabisuhan ang lahat lalo na ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog na maging alerto sa posibleng pagtaas pa ng lebel ng tubig na magreresulta ng mga pagbaha.
-- ADVERTISEMENT --