TUGUEGARAO CITY- Nagbukas ng isa pang spillway gate ang Magat dam sa Isabela kaninang 8:00.
Sinabi ni Engr. Wilfredo Gloria, division manager ng National Irrigation Administration-Magat Dam na isang metro ang bukas sa nasahing spillway gate.
Dati nang nakabukas ang isa pang spillway gate sa magat dam at ngayon ay may apat na metro na ang taas.
Sinabi ng opisyal na ito ay dahil na rin sa patuloy na pagpasok ng tubig sa magat dam na mula sa watershed area sa Nueva Vizcaya.
Ayon sa kanya ang inflow ay 1, 247 cms habang ang outflow ay 617 cms.
Sinabi pa ni Gloria na ang water elevation ngayon sa Magat dam ay 190.95 meters at ang spilling level ay 193 meters.
Gayonman, sinabi ni Gloria na hindi umano gaanong mararamdaman ang epekto nito sa Cagayan na nagsisilbing catchbasin ng tubig mula sa Magat dam.