Nagpalabas ng abiso ang National Irrigation Authority (NIA) hinggil sa isasagawang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela.
Batay sa abiso, magbubukas ng isang gate ang Magat Dam bukas, Agosto 7 alas 2:00 ng hapon.
Bunsod ito ng nararanasang pag-ulan dulot ng Low Pressure Area/Southwest Monsoon.
Dahil dito, bubuksan ang isang gate ng Magat dam at magpapakawala ng tinatayang 200 cubic meters per seconds ng tubig na posibleng madagdagan depende sa lakas ng ulan sa Magat Watershed mula sa naipong ulan sa kabundukan.
Sa abiso ng OCD-RO2, pinapayuhan ang mga residente na iwasan ang tumawid o mamalagi sa tabing ilog sa nasabing oras.
-- ADVERTISEMENT --
Ang mga alagang hayop ay mabuting dalhin sa mataas na lugar.