Patuloy ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam ngayong araw na ito.

Tatlong spillway gate ang nakabukas na may total opening na five meters sa dam.

ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng water level sa dam na nasa 190.53 meters as of 8:00 a.m.

Ayon sa NIA-MARIIS, ang total inflow ay 7,692.76 cms at ang outflow na 1,101.89 cms.

Ang spillway discharge ay 818 cms, ang total discharge sa ilog ay 1,057.97 cms.

-- ADVERTISEMENT --

Ang normal high water level ng dam ay 193 meters.

Dahil dito, pinapayuhan ng NIA-MARIIS ang mga residente sa mga mababang lugar na maging alerto sa mga pagbaha.

Kasabay nito, nag-abiso ang NIA-MARIIS na magbubukas pa sila ng dalawang spillway gate mamayang hapon.